As Long As My Heart Beats

Chapter 9



Chapter 9

“KATE, NO U-TURNS please. Hindi na tayo babalik na naman sa nakaraan. ‘Tapos na ‘yon. Let’s move

forward.”

Napakagat-labi si Katerina pagkarinig sa isinagot na iyon sa kanya ni Brett sa telepono. Kaagad na

pinutol nito ang mga sasabihin pa sana niya nang ikuwento niya ritong may balita na siya tungkol sa

pinagmulan niya.

“Pero Brett-“

“Magkita na lang tayo mamaya, okay? I love you.”

Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makapagsalita nang mawala na ang binata sa kabilang

linya. She sighed. Ang dami niya pa namang gustong ibahagi sa kanyang boyfriend, ang kanyang kaba

sa nalalapit na pagkikita nila ng kanyang pamilya, ang saya na malamang may naghanap rin pala sa

kanya, ang excitement na makilala ang pinagmulan niya, at ang pagmamalaki sa puso niya sa

nalamang Eirene Morrison pala ang totoo niyang pangalan.

Pero mukhang hindi interesado si Brett. Palibhasa ay para bang naka-program na sa isip nito na

pareho lang sila ng sitwasyon, na hindi na sila babalikan pa kahit kailan ng mga taong nang-iwan sa

kanila.

They were getting married in three months’ time. She was hoping that they could clear things out within

that time.

“My case is proving to be different than yours, Brett.” She breathed heavily. “At patutunayan ko ‘yan sa

’yo. I just hope that when that time comes, you can at least show that you are happy for me.”

Hindi niya na tinawagan uli si Brett. May pagkakataon pa naman para makapag-usap sila pagbalik nito

sa restaurant tutal ay bukas pa naman ang nakatakda niyang pagsama kay Andrei pabalik sa tunay

niyang tahanan. Sa loob nang ilang sandali ay muling namasa ang kanyang mga mata. It felt so

comforting to know that she wasn’t an orphan, after all.

Pabalik na sana siya sa mini stage para muling tumugtog nang mag-ring ang cell phone niya. Si Andrei

ang nasa kabilang linya. Nagpalitan na sila nito ng phone numbers matapos nilang mag-usap kanina.

“Are you ready for tomorrow?”

Ngumiti siya. “More than ready.”

“HEY, I MISS you today.”

Kaagad na nabura ang maghapon na pagod ni Brett nang marinig ang malambing na sinabing iyon ni

Katerina. Kasalukuyan itong tumutugtog nang dumating siya sa Buddies’ kaya hindi niya na inabala pa.

Dumeretso na siya sa kanyang opisina at doon pansamantalang nagpahinga.

Sinibak niya sa trabaho ang manager ng branch ng Buddies’ sa Antipolo nang mapatunayan niyang

ginagamit nito ang pagiging manager para gipitin at ipitin ang mga suweldo ng mga empleyado roon.

Halos buong araw siyang nanatili roon para ayusin ang mga records sa binakante nitong posisyon

kaya pagabi na nang makabalik siya sa opisina.

Halos isang linggo pa siyang magpapabalik-balik roon para obserbahan ang pamamalakad ni Cedric,

ang assistant manager roon na ngayong araw lang ay ginawa niyang manager.

“I miss you, too, babe.” Namamaos niyang sinabi bago tumayo at sinalubong ang dalaga. Nang

yakapin niya si Katerina at magiliw nitong gantihan ang yakap niya ay payapa niyang naipikit ang

kanyang mga mata. He has been alone so long that he wasn’t used having someone with him. That’s

why he was grateful that she was patient with him. “I love you.”

“I love you, too.” Sagot ni Katerina saka bahagyang humiwalay sa kanya. Hinaplos nito ang mga pisngi

niya. “Naaalala mo pa ba ‘yong ikinuwento ko sa ’yo kanina? About my parents-“

Kumunot ang noo niya. “I thought we’re moving on together? Bakit mo pa binabanggit ‘yan? They are

not coming back, Kate. Katulad ni Mama. Just accept that, okay? And move on.”

Tuluyan na siyang bumitaw sa kanyang girlfriend. He refused to be affected by the sadness in her

eyes. He had been through all that before. Umasa rin siya noon pero nabigo at nasaktan lang siya.

Ayaw niyang matulad rin si Katerina sa kanya, ayaw niyang masaktan rin ito gaya niya. He couldn’t

take the pain back then that’s why he resorted to changing his self. And he will be damned if he would

let the same thing happen to the woman he loved.

“Pero Brett, makinig ka muna kasi-“

“Sshh.” Siniil niya na ng halik sa mga labi si Katerina para matahimik na ito, silently hoping that it would

make her forget all those things, the way it made him forget.

“SHALL WE GO?”

Kabadong ngumiti si Katerina pagkatapos ay iniabot kay Andrei ang dala niyang travelling bag. Sa

kabila ng nerbiyos ay nagawa niya pang maaliw nang alalayan pa siya nito papasok sa nakabukas ng

pinto ng kotse. Bihira na sa mga pulis ngayon ang kasing gentleman nito. “Thank you.”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “Anything for the lovely supermodel.”

Natawa siya na agad ring nahinto nang mapasulyap sa hawak na cell phone. Noong nagdaang gabi

pagkatapos niyang mag-empake ng mga gamit ay sinubukan niya pa ring tawagan si Brett para

ipaalam rito ang nakatakda niyang pagpunta sa Infanta, Quezon para makilala ang kanyang pamilya.

Pero sa pangatlong pagkakataon ay hindi siya nito pinagbigyan.noveldrama

“Kate, babe, if this is about your parents again, stop it, alright? Matulog ka na. May pasok pa tayo

bukas.”

Sinikap niyang alisin ang pagtatampong nararamdaman. Siguro ay saka lang malalaman ni Brett na

hindi siya pumasok kapag nadatnan ang kaibigan nitong si Luis na pinakiusapan niya munang

pansamantalang tumugtog habang wala siya. Tutal naman ay hanggang kinabukasan na lang siya sa

restaurant dahil sa susunod na araw ay babalik na ang orihinal na pianist ng mga ito.

Nasorpresa si Katerina nang bigla na lang siyang hilahin pababa ni Andrei ng sasakyan nito. “Utang-

na-loob, dito ka magbuntong-hininga at huwag sa loob ng kotse ko. No bad vibes, please.”

Natawa siya.

KUMUNOT ang noo ni Brett sa nasaksihang tagpo sa pagitan ni Katerina at ng lalaking nakita niyang

naghatid sa kanyang girlfriend noon sa restaurant. Nagtagis ang mga bagang niya nang makita itong

nakikipagtawanan pa sa lalaki habang inaalalayan ito pasakay sa kotse na hindi na mahirap para sa

kanyang hulaan kung kanino.

Bakit may travelling bag na iniabot rito ang dalaga? Kung aalis ito, bakit hindi niya alam?

Mabuti na lang pala at nagpasya siyang sunduin ngayon si Katerina dahil gusto niya munang bumawi

rito. Alam niyang hindi man sabihin ay masama ang loob nito. He made a promise to his self that he

wouldn’t let that day pass without confessing to her his reasons why he didn’t want to bring out the past

again, why he didn’t want her to hope the way he did.

Pero ano itong nasasaksihan niya ngayon?

Sandaling naipikit niya nang mariin ang mga mata bago kinuha ang kanyang cell phone at idinayal ang

numero ng dalaga. “Nasaan ka?” agad na bungad niya habang nakatitig sa kotseng kinalululanan nito

na kasalukuyan nang umaandar.

Maagap na ipinasunod niya sa driver ng taxi na kanyang sinasakyan ang kotse ng mga ito. Coding ang

kotse niya sa araw na iyon kaya doon na muna siya sumakay.

Narinig niya ang malakas na pagtikhim ni Katerina sa kabilang linya. “Nasa… nasa orphanage ako

ngayon, Brett. May kailangan lang akong asikasuhin rito kaya hindi na muna ako makakapasok

ngayon. I’m sorry.”

Kumuyom ang mga kamay niya. “Talaga? Sinong kasama mong pumunta dyan?”

Ilang sandaling natahimik ang dalaga bago sumagot. “Si Elaine. Kagabi lang siya dumating.”

Pinutol niya na ang tawag. Mayamaya ay mapait siyang natawa. As simple as those words and he was

broken once again.

Pero ipinagpatuloy niya pa rin ang pagsunod sa dalawa. After two hours, he tried to call her one last

time. Please, Kate. I’m begging you, tell me the damn truth. “Nasaan ka?”

“Nasa orphanage pa rin. Bakit?”

Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. Kasabay niyon ay sinenyasan niya na ang driver

na ihinto na ang pagsunod sa kotse. Katerina was doing exactly what his mother did in the past.

Tahasan ang kanyang ina sa pagsisinungaling noon sa kanyang ama na may iba na ito, kasabay nang

palihim na pakikipagtagpo sa lalaki nito… mga bagay na ginagawa ngayon ni Katerina.

Damn it, Kate. Mariin siyang napapikit kasabay nang pag-ahon ng sakit at galit sa puso niya. Umasa

na naman siya. At muli… nabigo na naman siya.

“LIAR. You were seeing someone else behind my back, Katerina. Katulad ka rin ni Almira. Hindi

sasapat sa inyo ang isa.” Napasinghap si Katerina sa narinig na sinabing iyon ni Brett sa kabilang linya

pagkatapos ay busy tone na ang sumunod na narinig niya.

Gulat na nailagay niya ang cell phone sa bulsa ng kanyang suot na jacket. Pakiramdam niya ay bigla

siyang gininaw sa lamig na narinig sa boses ni Brett. Pinagkiskis niya ang dalawang palad sa pag-

asang makakaamot kahit kaunti man lang na init.

Para namang nakakaunawang hininaan ni Andrei ang aircon sa loob ng sasakyan. Pero naroon pa rin

ang panlalamig niya na alam niyang hindi sanhi ng hangin. Kahit pa ilang minuto na ang nakalilipas ay

parang tuksong umaalingawngaw pa rin sa isip niya ang nagyeyelong boses ng kanyang boyfriend.

How could he judge her just like that? How did he found out she was with Andrei? And God… how

could he just compare her to his mother? Hindi niya magawang aminin kay Brett ang totoo dahil ayaw

niyang sa ikaapat na pagkakataon ay sumama ang loob niya kapag pinigilan na naman siya nito o di

kaya ay kapag hindi na naman siya pinakinggan nito. Ang plano niya ay alamin na muna ang

katotohanan mula sa sariling pamilya bago niya ito balikan para patunayan ritong magkaiba ang

sitwasyon nila.

“Let me guess. That was your boyfriend on the phone, at nalaman niyang nagsisinungaling ka sa

kanya.” basag ni Andrei sa katahimikan.

“Brett is not just a boyfriend to me. We are engaged. We are supposed to get married in three months.

Hindi ko lang naman sinabi ang totoo kasi alam kong pipigilan niya lang ako. He wanted us to just keep

moving forward, to forget the past.” Namasa ang mga mata ni Katerina sa nagbabantang pagluha.

“Okay lang naman sana ‘yon sa ‘kin kung nagkataon na hindi ko nalaman ang tungkol sa pamilya ko.

But how can it be okay now? I have so many questions. I could have lived wondering for the rest of my

life if only I didn’t meet you, if only you didn’t tell me about my identity. Pero ngayon, hindi ko na kayang

pigilan ang curiosity ko lalo na at may mga tao nang nakahandang sumagot sa mga tanong ko. Hindi

ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman ang mga sagot. No matter how painful the answers are,

I’m willing to listen just so I can finally get on with my life.

“Kung sa kanya, pwede, kasi kilala niya kung sino siya. Buo ang pagkatao niya. May nakaraan siya.

Pero paano naman ako? Bubuoin ko pa lang ngayong araw ang pagkatao ko para masabayan ko ang

pagbangon niya.” Gumaralgal ang boses ni Katerina. “Alam ko namang nagsinungaling ako sa kanya.

But how can he just accuse the woman he loves of seeing someone else behind his back?”

“I’m giving you two options, Kate.” Natigilan siya nang biglang ihinto ni Andrei ang sasakyan. “A,

babalik tayo at ipauunawa mo sa tigreng boyfriend mo na hindi mo siya niloloko at hindi tayo nagdi-

date although I must admit that I like you and how I wished this is really a date or B,” Tinapik nito ang

manibela. “We can pursue travelling.”

Ang tagal naghanap ni Katerina, ang tagal niyang nangulila sa sariling pamilya. And now that she was

halfway towards the missing pieces in her life, how can she stop? Inignora niya ang pahaging ng

lalaking katabi. “Tuloy tayo.” Napahugot siya nang malalim na hininga. “Brett can wait. My family can’t.”

I will be back, Brett. Kahit pa nasasaktan ay pangako niya pa rin sa sarili. Palipasin na muna natin ang

mga sama ng loob natin sa isa’t isa. Pagbalik ko, mag-uusap tayo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.