Chapter 12
Chapter 12
PAKIRAMDAM ni Jake ay may namuong bara sa kanyang lalamunan nang makita ang anak sa hardin
ng bahay ni Lea. Tahimik ito at para bang napakalayo ng tingin habang pilit itong kinakausap ng ina
nito. Simula nang mailabas ito sa ospital mahigit dalawang linggo na ang nakararaan ay hindi pa rin ito
nagsasalita. Ayon sa doktor ay wala namang napinsala sa ulo nito. Pero malaki daw ang posibilidad na
na-trauma ang bata sa nangyari kaya ito nagkakaganoon.
But Jake knew better. It was because of him.
It had always been because of him.
Alam niyang kung hindi lang dahil kay Janna ay ipina-ban na siya ni Lea sa village na iyon. Marahas
siyang napabuga ng hininga. Kahit paano ay malaki ang pagpapasalamat niyang palapit na ang
summer break nina Janna sa eskwela nang mangyari ang insidente. Hindi maaapektuhan nang husto
ang pag-aaral nito. Kung magkakaroon ng himala at makakapagsalita ito sa mga darating na linggo,
makakapasok itong muli.
Unti-unti ay lumapit si Jake sa anak. Sa bawat paghakbang niya ay pabigat nang pabigat ang loob
niya. Araw-araw ay pinupuntahan niya ang anak. Kung pwede nga lang na mag-camping na siya sa
hardin ay gagawin niya pero duda siya kung hahayaan iyon ni Lea. Dahil pinapapasok man siya nito sa
bahay nito ay para bang nagmamadali rin itong paalisin siya kaagad.
Because his presence meant pain. Hindi man nito iyon direktang masabi ay nararamdaman niya iyon.
At naiintindihan niya ito. Nag-aalala itong mas masaktan si Janna sa tuwing nakikita siya. Iyon mismo
ang dahilan kaya bihira siyang makadalaw sa bahay na iyon. Kung bakit gustuhin niya man ay hindi
niya magawang magpakita nang husto sa anak.
Hindi niya matagalan ang panliliit na nararamdaman sa harap ng mismong anak. Pati na ang piping
pangunguwestiyon sa inosenteng mga mata nito na alam niyang dala ng pagkakahiwalay nila ng
tirahan at ng marami pang bagay tungkol sa pamilya nila na hindi naman dapat nararanasan nito.
Idagdag pa roon ang pang-uusig ng konsensiya ni Jake. Hindi niya matagalan ang sakit na alam
niyang pare-pareho nilang nararamdaman sa tuwing nagkikita sila. Hindi niya matagalan ang
katotohanang siya ang dahilan kung bakit itinakwil si Lea ng sariling mga magulang nito. He never
wanted to hurt her. Pero parati niya na lang itong nasasaktan. Napakalaki ng isinakripisyo nito para sa
kanya. And every single day since then, he had lived with regrets.
Hindi kahit minsan naging madali para kay Jake ang malayo sa sariling anak. He had never been so
happy over a single smile until Janna smiled to him for the very first time. Before he became a father,
he didn’t know how life could be so meaningful. Ipinagmamalaki niya ang kanyang anak. Hindi niya nga
lang maiparamdam iyon nang maayos dahil sa sitwasyon nila. Dala man nito ang apelyido niya ay hindi
pa rin sapat iyon. Nag-alala siyang isapubliko ang tungkol rito at magkaroon ito at ang mga nakapaligid
rito ng mas maraming tanong kung bakit hindi sila kasal ni Lea lalo at masyado pang bata ang anak
para maunawaan nito ang totoong nangyayari.
“Hello, princess.” Pilit na pinasigla ang boses na bati ni Jake sa anak nang makalapit na rito. Agad
namang nagpaalam si Lea na may aasikasuhin na muna sa kwarto nito. Malungkot na tinanaw niya
ang pagpasok ng dalaga sa loob bago niya ibinalik ang atensiyon sa anak. Nahuli niya itong nakatitig
sa kanya. Inginuso niya ang stool sa tapat nito. “May I?” Nang tumango ang bata ay mabilis siyang
naupo. “How are you today, princess?” Inabot niya ang mga kamay nito. “Daddy missed you. I wish I
could hear you say you miss me, too. I miss your beautiful voice a lot, you know.”
Matipid na ngumiti lang ang bata.
Nagsikip ang dibdib ni Jake. Inilapit niya ang stool na kinauupuan sa tabi ng anak at maingat na
hinawakan ang mga pisngi nito. “Janna, kung masama ang loob mo kay Daddy, sabihin mo. I would
rather hear you say it. Kesa naman ‘yong ganito. ‘Wag tayong ganito, please?”
Nag-iwas ng mga mata ang bata.
“My… wedding didn’t take place. I’m so sorry about that, princess. Maraming bagay ang akala ko ay
hindi ko pa pwedeng sabihin sa ‘yo noon. I worry that you wouldn’t understand. Nalimutan kong
matalino pala ang anak ko sa kabila ng murang edad niya. Nalimutan kong napalaki ka nang maayos
ng Mommy mo kaya siguradong mauunawaan mo ako sa dulo. Janna, your Mommy and I do love you
so much. Hindi ko man ‘yon madalas naipapakita pero mahal na mahal kita.
“Alam mong wala nang family si Daddy. Naipaliwanag ko na sa ‘yo kung paano sila namatay. You also
knew that before your Mommy and I became parents, we were the best of friends. Pero may…
nangyari.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay paliwanag ni Jake. “Ten years ago, out of guilt, I
considered it as a mistake. Pero hindi na ngayon. Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa
buhay ko, Janna. Pero hindi ako makalapit sa ‘yo, sa inyo ng Mommy mo. Because I was scared.”
Nag-init ang mga mata niya. “I felt like I already ruined your mother’s life. I’ve been causing her so
much pain long before you were born. I was so afraid that I would also ruin yours should I try to come
closer. Dahil lahat na lang ng mga taong mahalaga sa akin, nasasaktan ko. Napapabayaan ko.”
Sandaling naipikit ni Jake nang mariin ang mga mata nang maalalang kahit si Diana, ang nag-iisang
babaeng nagpatibok sa puso niya ay nasaktan niya rin. Dahil hindi rin siya umamin rito. That was when
he realized that nobody can stop the pain. Kahit na gaano mo pala kamahal ang isang tao, hindi mo
masasalo ang sakit para sa kanya. All you can do was just to be there when that person was in pain.
“Pagdating sa inyo ng Mommy mo, wala na akong tiwala sa sarili ko. I would often see the pain in her
eyes every time she looked at me. And I couldn’t stand it. And you… you were beginning to look at me
the way she does. And believe it or not but it hurts. Masakit dahil parang mula’t sapul, wala na akong
pag-asang makabawi pa sa inyo. I’m so sorry, Janna. I wish you can tell me how I could make it up to
you. Nakahanda si Daddy na gawin ang lahat para makabawas man lang sa sama ng loob mo.”
“S-stay.”
Nabigla si Jake. Isang salita lang iyon pero kahit paano ay nakaramdam siya ng pag-asa. Mabilis na
niyakap niya ang anak. Nang maramdaman niya ang pagganti nito ng yakap ay tuluyan nang pumatak
ang luha niya.
Bahala na. Pero mananatili siya gaya ng sinabi nito.
TATLONG magkakasunod na katok ang pinakawalan ni Lea sa pinto ng kwarto ni Janna bago siya
tuluyang pumasok. Naabutan niya ang anak na nakahiga na sa kama nito, patalikod sa direksiyon niya.
Hindi nakaligtas sa kanya ang paghikbi nito. Sandali siyang napahinto sa paglapit. Pakiramdam niya,
simula nang naging isang ina siya ay dumami na ang mga kahinaan niya.
First was Jake. Second was everything that includes their daughter. Totoong napakadali lang ang
maging ina. Pero napakahirap ang magpakaina. Lalo na sa mga sandaling iyon.
Being a mother, she realized was loving your child first before yourself, it was setting aside your
happiness. Napahugot si Lea ng malalim na hininga. Narinig niya ang lahat ng naging pag-uusap nito
at ni Jake sa hardin. Dahil nagising na ang anak, naging madali kahit paano para sa kanya ang
umunawa. Nasa sala pa rin ang binata na iniwan niya pansamantala matapos ipaalam sa kanya ang
tungkol sa hiling ng anak. Dahil gusto niyang makausap na muna ang huli.
Maingat na nahiga si Lea sa tabi ni Janna. Marahang niyakap niya ito mula sa likod. Ipinikit niya ang
mga mata at isinandal ang noo sa balikat nito. “Talk to me, sweetheart. Please. Tell me everything that
you want to say. Makikinig si Mommy. Promise.”
Muli ay narinig niya ang paghikbi ng bata. “Were you crying all this time because of me? Because I was
born? Do you regret that I was born, Mommy?”
“No, of course not!” Bumangon si Lea. “Humarap ka sa akin, anak. Mag-usap tayo nang maayos.”
Nahigit niya ang hininga nang sa pagharap ni Janna ay sumalubong sa kanya ang luhaang mukha nito.
God… napakabuting bata nito. Hindi nito deserve na magkaroon ng mga ganoong tanong tungkol sa
pagkatao. Mabilis na pinunasan niya ang mga luha ng anak. “I wasn’t crying because of you. Kung
tutuusin, ikaw ang nag-iisang dahilan kung bakit nagagawa ko pang ngumiti. You’re my only treasure,
Janna. At hindi ako kahit kailan magsisisi na dumating ka sa buhay ko. You changed my life.
“My life began when I had you. Nabago ang kahulugan ng saya para sa akin nang ipanganak kita. Fun
suddenly started to mean Disney movies and bedtime stories.” Bahagyang napangiti si Lea. “Mahirap
ang maging ina, aaminin ko ‘yon. It’s losing sleep just to comfort someone.”
Naalala niya ang mga panahong pumapalahaw ng iyak ang anak noong sanggol pa ito. Ni hindi siya
makapagbanyo nang maayos sa takot na iwanan ito. Naalala niya kung paano siya parang zombie na
gigising sa madaling araw para magpagatas sa oras na magising na ito. Hands-on siya pagdating sa
anak. Ilang buwan siyang nag-leave para masigurong maaalagaan ito nang husto. At noong
nakakapagtrabaho na siyang muli ay mas lalo siyang nawalan ng oras para makapagpahinga.
Pagkagaling sa opisina ay nagpapagatas pa siya. Kapag napapatulog niya na ito ay saka niya naman
aasikasuhin ang mga bitbit na trabaho.
And when Janna grew up, the next thing she feared were the monsters under her bed. Takot na takot
ito lalo na tuwing malapit na ang Halloween at nagsisimula na ang mga kwento sa telebisyon o radyo
tungkol sa mga multo. Nang mawala iyon, sa mascot naman ito sumunod na natakot. And every time,
Lea makes sure that she was there beside her daughter. Hanggang sa unti-unti ay hindi na ito
natatakot. Sa tuwing nakakakita ito ng mascot ngayon, hindi na ito nananakbo gaya nang dati.
Puno ng pagmamalaking napangiti si Lea. They had come a long, long way together.
“But it’s amazing hearing your little voice say I love you to me at the end of the tiring day. Being your
mother is a privilege, Janna. I gained a whole new world when I had you. Lumakas ako sa pagdating
mo sa buhay ko at hanggang ngayon ay nananatiling malakas dahil kasama kita.”
Muling pumatak ang mga luha ng anak. Bumangon rin ito at niyakap siya. “I love you, Mommy.”
“And I love you, too.” Agad na sagot ni Lea. Nang ang sumunod na maalala ay ang hiling nito sa ama
ay bahagya siyang humiwalay rito. “Do you really want Daddy to stay here with us? Will that really
make you happy?”
“Yes. So much. Ang sabi ni Daddy ay babawi daw siya, Mommy. Papayagan mo ba?”
Iyon ang kauna-unahang pag-uusap nila ng anak matapos ang mahigit dalawang linggo na hindi
matahimik si Lea sa pag-aalala para sa kalagayan nito. Ngayon niya na lang uli narinig ang boses nito.
Ngayon niya na lang din uli nakita ang kislap ng pag-asa sa mga mata nito.
Muli siyang bumuntong-hininga. “Yes.”
Mabilis na niyakap siya ng anak. Kahit paano ay natutuwa si Lea na mukhang nakakabangon na si
Janna. Na mukhang pinipilit rin nitong kalimutan ang nangyari. Ganoon naman ito parati. Parang siya
lang. Sasama ang loob sa umpisa. Pero parati pa ring mananaig ang pagmamahal sa dulo.
Nang makatulog na ang anak ay maingat siyang bumangon. Natigilan pa siya nang makita sa hamba
ng pinto ng kwarto ni Janna si Jake. “Kanina ka pa ba dyan?”
Tumango ito.
Isinara na muna ni Lea ang pinto bago niya hinarap ang binata. “Kung gano’n ay narinig mo na siguro
ang usapan namin. You’re free to stay.” Aniya bago ito tinalikuran. Nagsimula na siyang maglakad
palayo.
“Lea, we can try. We can try to make this work for her. We can try… to become a family. A real one.”
Napahinto siya sa paghakbang.
“Lea, please. Let’s… try.”
Nang maalala ang kislap sa mga mata ng anak ay unti-unti siyang napatango.
“All right.” Nagulat pa siya nang bigla na lang siyang yakapin ng binata mula sa kanyang likod.
Kakawala na sana siya pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
“Thank you.” Halos pabulong na sinabi ni Jake. “I miss you, you know. I miss you so much. I miss
embracing you like this. I… I miss my best friend.”
I miss you, too, Jake. More than you’ll ever know. Pero hindi na sinabi pa ni Lea ang mga salitang noveldrama
iyon.