KABANATA 25
Nagising siyang may ngiti sa kanyang mga labi, nakita niya ang nakadapa pang si Hyulle sa kama, akma na siyang tatayo nang hilahin ni Hyulle ang kamay niya at kabigin siya nitong muli pabalik sa kama nila. "Gising ka na pala, bakit nagkukunwari ka pang tulog?" paanas niyang tanong sa lalaking bumihag sa kanyang puso.
"Kasi alam kong aayain mo na akong magbangon, wala tayo sa mundo ng mga tao, nandito tayo sa other world, sa mundo at dimension ko, walang makakaistorbo sa atin," muli pang umangkla ang mga kamay nito sa kanyang baywang. Sobrang init pa rin ng katawan ni Hyulle, at tila ba hindi pa tapos ang pag-aalab nito.
"Tumigil kana, huwag mo na akong lokohin, nababasa ko sa iyong isipan na akoy niloloko mo, gusto mo lang makaisa," sambit ni Polina sa kanya. Parang pinipilipit namang natawa si Hyulle.
"Hindi na nga pala ako makakapag sinungaling sa iyo, aking asawa." At dahil doon ay sabay pa silang natawa. Tumayo na silang pareho at sabay pang nag-shower.
Pagbaba pa lang nilang dalawa mula sa kanilang silid ay kapawa sila nababalot ng saya at ligaya, magkahawak pa ang mga kamay nila, at para bang hindi na sila mapaghiwalay ng kahit na anong pangyayari sa mundo.
Ngunit napatigil si Hyulle at Polina nang makita nila si Althea, masama ang tingin nito sa kanilang dalawa. At alam na nito ang mga bagay na naganap kamakailan lamang.
"Nag-asul ang dilaw na buwan, at umalulong ang lahat ng kahayupan sa buong kalupaan ng mundong ito, gayong din sa other world, ramdam ang ginawa niyong kabuktutan!" sigaw ni Althea. At malakas nitong sinugod ng matatalim niyang kuko si Polina. Ngunit sa kalagitanaan ng ere ay napahinto siya. At naninigas ang buo niyang katawan. Para siyang na-freeze sa isang tingin pa lamang ni Polina.
Nagulat si Hyulle, sa angking lakas na ni Polina, nagawa niyang mapag-yelo si Althea sa isang tingin lamang. At bumagsak si Althea sa lapag, lumapit si Polina at muling nilusaw ng mainit na kapangyarihan si Althea. Nagbalik ito sa pagiging wolf na hayop.
"Polina, napakalakas ng iyong kapangyarihan, totoo ngang anak ka ng hari ng mga putting wolf, taglay mo ang kapangyarihan ng apoy, at anak ka ng diyosa ng buwan dahil tintaglay mo rin ang kapangyarihan ng yelo," nasabi ni Hyulle, na napupuno ng pagkamangha.
"Hindi ko alam, basta na lamang lumabas ang kapangyarihan ko iyon, ano na ngayon ang mangyayari kay Althea?" nag-aalala niyang tanong kay Hyulle. "Ibabalik ko siya sa other world," sambit ni Hyulle.
"Sasama ako," may pakikiusap niyang sambit. Ngunit tumutol si Hyulle, hindi alam ni Hyulle kung ano pang naghihintay roon, at kung talaga nga kayang makakaya na ni Polina na ipagtanggol ang sarili niya. Ngayong lumakas na siya, mas ibayong pag-iingat ang dapat niyang gawin.
"Hindi ka maaring sumama, kinakailangan mong pag-aralang ma-control ang kapangyarihan mo, dahil kung hindi, baka mapahamak ka," sambit ni Hyulle sa kanyang asawa.
"Wala ka pa rin bang tiwala sa akin?" nalungkot na sambit ni Polina.
Umiling si Hyulle, at ngumiti. "Siyempre meron, ngunit ang nais ko ay pag-aralan mo muna ang mga kapangyarihan mo, darating ang time na hahayaan na kitang sumabak sa labang nais mo." Hinawakan ni Hyulle ang mga kamay niya. At naririnig naman niyang tunay ang sinasabi ni Hyulle.
"Mag-iingat ka, mahal kita Hyulle, pakiusap bumalik ka, kaagad," sambit pa niya.
"I love you, Polina, alam kong makakaya mo iyan, tawagin mo lang ang pangalan ko, tiyak akong maririnig kita," bilin pa nito. Umalis nga si Hyulle at naiwan si Polina sa loob ng mansiyon nang nag-iisa.
Habang nasa loob ng mansiyon si Polina, naisipan niyang magbasa-basa pa ng ilang aklat pa patungkol sa kanilang lahi, nasa library siya. Nakuha niya ang aklat at nabuklat niya ito, lumabas ang mga pangyayari na tila ba siya nanonood lamang ng isang pelikula, ang yugtong iyon ay patungkol sa kanilang mga ninuno, may kakayahang magbalat kayo ang mga werewolf, lalo na ang mga elder dahil higit na malakas ang kanilang kapangyarihan at may kakayahan silang utusan ang isang ordinaryong wolf na maging gaya nila sa pamamgitan lamang ng mga mahika nila.
"Anong ibig sabihin nito?" napapamaang niyang nasambit.
"Ibigsabihin nalinlang ka nila," sambit ng isang tinig.
Mabilis siyang napatayo, at lumingon. "A-Althea! Hindi ba't isa ka nalang ordinaryong hayop ngayon?" tanong ni Polina. "Hindi Polina, nalinglang ka, at si Hyulle nakuha na nila," malungkot at nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Althea.
"A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko maunawaan? Anong nalinglang? Anong nakuha nila si Hyulle, hinatid ka lang ni Hyulle sa other world," sigaw niya. At patakbong nilapitan si Althea. Si Althea naman ay naniiyak na lang at tuluyan na ngang nalaglag ang mga luha.noveldrama
"Hindi ako ang kinalaban mo kanina, isa iyong mahika ng isa sa mga elder, ordinaryong wolf lang iyon, at alam ni Hyulle iyon, pero nagpanggap pa rin siyang hindi niya alam, para huwag kang magpumilit na sumama sa kanya." "Anong mangyayari kay Hyulle?"
"Polina, hindi ko alam kung makakabalik pa si Hyulle," humikbi pang sambit ni Althea.
"Anong sinasabi mo? Hindi iyan totoo, malakas si Hyulle, paano siyang hindi makakabalik?"
"Oo malakas si Hyulle, ngunit kapag naikulong na siya sa isang kulungan na nasa other world, imposible iyon, mababalot ng mga kapangyarihan ng mga Elder ang kulungan iyon. At maaring ikamatay na niya ang makulong doon." "Hindi ako naniniwala! Tutulungan ko si Hyulle, hindi ako makakapayag na mamatay siya!" galit na sambit ni Polina kay Althea. Ngunit bago niya iyon magawa ay nakita niya sa labas ng mansiyon ang napakaraming halimaw na werewolf. Nakatayo sila sa labas at nag-aabang sa kanyang paglabas.
"Nakita mo ba sila? Silang lahat ang kakalabanin mo, napakarami na nila, kinakilangan mo silang patayin lahat, paano mo pa maililigtas si Hyulle, kung nakasalalay rin sa iyo ang buong mundo ng mga tao?" napalingon siyang muli kay Althea. "Pinapilipili mo ba'ko? Kung si Hyulle o ang iligtas ang mundo?" tanong niyang nanlilisik ang mga mata kay Althea. Nanlaki naman ang mga mata ni Althea, hindi nito akalaing ganoon ang lakas na idinulot ng pagsisiping nila ni Hyulle. Kaya lang ay hindi pa nito natutuhang kontrolin ang kapangyarihan.
"P-Polina! Hindi mo kontrol ang iyong kapangyarihan tumigil ka!"
"Ikaw ang tumigil! Hindi na ako maniniwala sa iyo! O kahit na kanino! Lilipolin ko kayong lahat na masasama, ililigtas ko si Hyulle, sabay naming pangangalagaan ang mundo!" tapos noon ay naglaho siya sa harapan ni Althea.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Sa kanyang paglalaho, dinala siya ng kanyang kapangyarihan sa bukana ng lagusan sa isang gubat, patungo sa other world. Ang mundong kinagisnan ng kanyang ama, at ni Hyulle.
"Polina! Tumigil ka!" sigaw ng isang tinig. Napalingon siya. Seryoso ang mga titig niya sa babaeng iyon, ang kanyang ina. Si Patricia.
"Inay! Ibang-iba na ang iyong wangis, nagbalik ka na ba sa pagiging dyosa?"
"Kapangahasan ang ginawa niyo ni Hyulle, ngunit pinahanga mo ako sa iyong katapangan at determinasyon, kaya lang anak, pabayaan mo muna si Hyulle," sambit ng kanyang ina.
"Pabayaan!? Mamatay siya Inay!" sambit niya sabay hawak sa kanyang dibdib. Parang umaalis ang hangin sakanyang katawan, sa t'wing maiisip niyang mamatay si Hyulle.
"Magpakatatag ka Polina, may pagsubok ang asul na buwan kay Hyulle, si Hyulle lamang ang makapagliligtas sa kanyang sarili, ikaw naman, gawin mo ang inaakala mong tama sa mundong ito ng mga tao."
"Pero Inay, paano na si Hyulle, hindi ko kayang mabuhay ng wala siya, alam mo ba iyon inay?"
"Mabuhay ka para sa diyan sa batang dinadala mo, sa iyong sinapupunan, nariyan na ang binhi ni Hyulle, hindi magtatagal at mararamdaman mo ang pintig ng puso ng isang sanggol, na bunga ng inyong kapangahasan, at pagmamahalan." "Ang akala ko ba ikaw ang nagdesisyon na kami ang maging mate! Bakit ngayon pinaparusahan niyo si Hyulle! Wala siyang kasalanan!"
"Patawarin mo ako, ako ang may kasalanan ng lahat, ginawa ko iyon dahil ayaw kong mamatay ka, tiyak na mapapatay ka ni Hyulle dahil malakas siya, nakialam ako, ginamit ko ang kapangyarihan ko, hindi talaga kayo ni Hyulle ang itinakda sa isa't isa. Kaya ako naririto, mamaalam na ako anak, ikukulong rin ako sa madilim na bahagi ng palasyo ng asul na buwan dahil sa ginawa kong kamalian, nakialam ako sa mga bagay na nakatakda," sambit ng kanyang ina. Napapailing siya, hindi siya makapaniwala sa mga maririnig niya, "Hindi totoo ang lahat, si Hyulle lang ang para sa akin, wala nang iba, at ang mga naganap ang siyang nakatakda," Mariin niyang sabi sa kanyang sarili.