The Trouble With Good Beginnings

Chapter 10



Chapter 10

PALABAS na si Holly ng kanyang townhouse kasama ang mga magulang nang tumunog ang cell

phone niya. Ang pangalan ng groom niya ang nakarehistro sa screen niyon. Mula pa kaninang

magising siya ay hindi niya na iyon binitiwan maliban na lang noong naligo at nagbihis siya dahil

hinihintay niya ang pagtawag ni Aleron.

Ilang ulit na siyang tumawag sa binata at nagpadala ng text message pero ni isa ay wala itong sinagot.

Ayaw niya man ay kinakabahan na siya dahil hindi iyon gawain ng binata lalo na ngayong araw pa ng

kasal nila. Bumitaw si Holly sa pagkakakapit sa braso ng ama. “Mauna na po muna kayo sa kotse,

mom, dad. Sasagutin ko lang sandali ang tawag ni Aleron. Maaga pa naman po. We won’t be late.

Susunod rin po ako agad.”

Napailing ang ama. “Kung magtawagan kayo, para namang hindi pa kayo magkikita sa simbahan

mamaya.”

“Hayaan mo na sila, Alfar. You were even worse when we’re about to get married back then. Hindi ako

nakasabay sa mga magulang ko sa bridal car, remember? Dahil sinundo mo pa ako. Ni hindi ka

makapaghintay sa simbahan.”

Napapailing na tinakpan na ni Alfar ang bibig ng asawa at inakay na ang huli papunta sa kotse na

nakaparada sa tapat ng kanyang gate. Napangiti na lang si Holly bago sinagot na ang tawag ni Aleron.

“Good morning, handsome!” Masiglang bati niya. “Hindi na ako makapaghintay na makita ka.”

“I’m giving you one last chance, Holly. Tell me about Athan Williams. Tell me everything that will make

me change my mind.” Sa halip ay sagot ni Aleron sa kabilang linya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Holly. “Anong ibig mong sabihin? Sinong Athan Wiiliams?” Kahit na

anong pag-iisip pa ang gawin niya ay wala siyang lalaking kilala na ganoon ang pangalan.

Narinig niya ang pagtawa ni Aleron. “You’re really something, Holly. ‘Wag ka nang pumunta pa sa

simbahan. Tigilan na natin ang drama na ‘to. Just make excuses or whatever. Tutal ay doon ka naman

magaling. You can say you dumped me to save your precious pride. I know how much that meant to

you, after all.”

“Teka, ano bang pinagsasabi mo?” Napahawak si Holly sa kanyang dibdib na nagsisimula nang

manikip nang mga sandaling iyon. “Hindi kita maintindihan.”

Muling natawa si Aleron. “Shit, Holly. Ikaw ang hindi ko maintindihan. But one thing is for sure: amanos

na tayo.” Anang binata bago ito nawala sa kabilang linya.

Manghang napatitig si Holly sa hawak na cell phone bago nanginginig ang mga daliri na idinayal niya

ang numero ni Aleron pero out of coverage area na ito. Diyos ko, ano na naman po ba ito? Sino ba

kasing Athan iyon?

“Holly?”

Napalingon si Holly sa gate nang marinig ang boses ng ama. Nakatayo ito roon at nakakunot na ang

noo. “Tapos na ba kayong mag-usap?” Wala pa rin sa sariling tumango si Holly. “Kung ganoon ay

halika na. Baka abutan pa tayo ng traffic. Nakakahiya naman.”

Humakbang siya palapit sa ama at mahigpit na kumapit sa braso nito para kumuha ng lakas.

Nagpaakay na siya rito papasok sa bridal car. Habang nasa daan ay patindi ng patindi ang nadarama

niyang tensyon. Posible kayang nagbibiro lang si Aleron? Pero anong klaseng biro naman iyon?

Malinaw ang usapan nila ng binata noong mga nakaraang araw.

Nagpaalam pa si Aleron na babalik na muna sa dating mansyon ng nasirang ama nito bilang pagsunod

sa tradisyon na huwag na muna silang magkikita. Hindi nito nagawang iwanan ng tuluyan ang

mansyon kaya ipina-renovate daw nito iyon. Doon sila tutuloy pagkatapos ng kasal nila at doon rin

lilikha ng mga bagong alaala. Pero hindi pa siya nadadala ng binata sa mansyong iyon dahil sorpresa

daw nito iyon sa kanya. Binalikan ni Holly sa isip ang mga alaala nila ng binata. Wala silang pinag-

awayan nito. Ni wala siyang maipipintas sa kanilang relasyon.

Nasasakyan ni Aleron ang lahat ng mga gusto ni Holly sa buhay. Nagkakaunawaan sila nito. Wala

silang problema. Alam niyang masaya ito sa piling niya at lalo na siya. Ang mga halik at yakap ni

Aleron, ang mga ikinikilos nito pati na ang sinasabi parati ng mga mata nito, lahat ng iyon ay hindi

maaring magsinungaling. Mahal siya ng binata. Baka nga binibiro lang siya nito dahil marunong na rin

itong magbiro ngayon kahit paano. Napahugot siya ng malalim na hininga.

“Is something wrong?” Anang ina sa kanyang tabi.

Mabilis na napailing si Holly. Pilit na ngumiti siya, ngiting bigla ring naglaho nang malaman niyang hindi

pa pala dumarating sa simbahan si Aleron o sino man sa panig nito. Nauna pa sila ng pamilya niya.

Sinubukan niya na muling tawagan ang binata pero gaya kanina ay hindi niya ito ma-contact.

“Mauna na muna akong bumaba. Kakausapin ko lang ang mga bisita. Baka na-traffic lang si Aleron.”

Ani Alfar na para bang pilit na pinagagaan ang loob ni Holly kahit na bakas na rin ang pag-aalala sa

mga mata nito.

Tumango si Holly. Pinagdikit niya ang mga palad. Hindi na tumigil pa sa malakas na pagtibok ang puso

niya. Inabot ng ina ang kanyang palad. Napatitig siya rito. “Aleron loves me, ‘ma. Darating din ‘yon.”

Tumango ang ina kasabay ng pag-ngiti nito. “Of course, darling.”

ILANG MINUTO na ang lumipas hanggang sa nadagdagan na iyon ng nadagdagan pero wala pa rin si

Aleron. Sumilip si Holly sa bintana ng sasakyan. Nakita niya ang pagbubulungan ng mga tao. Tumaas-

baba ang dibdib niya. Mayamaya ay lumapit ang ama. Kumatok ito sa bintana sa gawi niya na agad

niya ring binuksan.

“Tumawag na ba siya?”

Napailing si Holly. “Hindi pa, dad.”

Dumilim ang anyo ni Alfar. “Umalis na tayo-“

“Hindi, dad. Ano ba naman kayo? Darating si Aleron. ‘Sabi nyo nga kanina, baka na-traffic lang. Alam

nyo naman dito sa Pilipinas, masyadong-“

“Pesteng traffic ‘yan!”

Napaigtad si Holly nang marinig ang pagtaas ng boses ng ama. Naglingunan sa direksyon nila ang

mga bisita. Mariing nakagat niya ang ibabang labi sa pinaghalong pagkapahiya at takot.

“Hindi mo ba napapansin? Wala pa kahit isa sa partido niya ang dumarating! Pinagbigyan lang kitang

maghintay kanina.” Dumiin ang boses ng ama pero kahit paano ay humina na iyon. “Pinag-uusapan na

tayo ng mga tao. Stay there. Kakausapin ko lang sila para umuwi na.” Mabilis na tumalikod si Alfar at

naglakad papunta sa direksyon ng mga bisita.

“Tell me honestly, Holly, what did Aleron tell you earlier?”

Parang walang narinig si Holly sa mga sinabi ng ina. Sa kabila ng pagpigil nito ay bumaba pa rin siya

ng kotse. Nagsisimula nang mag-alisan ang mga tao habang ang ilan naman ay napalingon sa kanya.

Hindi niya pinansin ang awa na malinaw na nakarehistro sa mga mata ng mga iyon. Itinaas niya ang

baba at humarap sa mga ito.

“’Wag nyo akong tingnan ng ganyan. My groom will come.” Nag-iinit ang mga matang wika ni Holly.

Kanina niya pa pinipigil ang mapaluha dahil natatakot siyang baka masira ang make-up niya.

Kailangang maganda siya sa pagdating ni Aleron. “Mauna na kayo, bahala kayo. Hindi ko kayo

kailangan.”

“Holly!” Sigaw ng ama sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Nagtuloy-tuloy siya sa loob ng simbahan.

Kahit ang pari ay pinauna na ng ama. Nanghihinang napatitig siya sa kabuuan niyon. Kahit dalawang

bwang preparasyon lang ang kanyang kasal ay napakaganda pa rin ng kinalabasan niyon. Aleron hired

the best wedding coordinator in the country. Ganoon siya kahalaga sa mapapangasawa. Lahat ng

gusto niyang dekorasyon ay nasunod.

“One thing is for sure: amanos na tayo.” Bumigay ang mga tuhod ni Holly nang muling maalala ang

mga sinabing iyon ni Aleron. Napaluhod siya sa pulang carpet. Parang mababaliw na napatitig siya sa

altar. Ano po ba ang nagawa ko?

Pumatak ang mga luha ni Holly. Hindi niya makuhang umalis sa lugar na iyon, hindi niya kaya sa kabila

ng naghuhumiyaw na katotohanang hindi na nga darating pa ang hinihintay niya. Dahil natatakot

siyang aminin na sa ganoong paraan lang nagtapos ang pangarap niya, na sa ganoong paraan lang

mamamatay ang puso niya.

Nakarinig siya ng komosyon sa labas. Napalingon siya sa entrada ng simbahan. Nakita niya ang

walang malay na ina na buhat ng ama.

“Holly, let’s go!” Sigaw pa ng ama.

“No, daddy. I will stay here!” Garalgal ang boses na ganting-sigaw niya. “Umalis na po kayo. Bring

mommy to the hospital. Susunod na lang po ako mamaya.” noveldrama

Ilang sandaling pinakatitigan si Holly ng ama bago ito nagmamadaling tumalikod palayo. Nang

tangkang papasok rin si Jazeel sa loob ng simbahan ay napailing siya. “No, Jaz.” Halos nakikiusap

nang wika niya. “Please leave me alone. Pakisamahan mo na muna sina mommy.”

“Pero-“

“Leave!” Hindi niya na napigilan ang pagtataas ng boses. Napabuntong-hininga na lang si Jazeel bago

ito sumunod sa kanyang mga magulang. Nang tuluyang mapag-isa ay saka siya napahagulgol. “Paano

tayo naging amanos, Aleron? Ano bang kasalanan ko sa ’yo?” The fairytale that she thought she would

have, lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap.

“Ah!” Ubod-lakas na napasigaw si Holly kasabay ng paghawak sa kanyang dibdib. Hindi siya

makahinga sa sobrang sakit na nadarama. Hindi niya lubos akalaing posible pala iyon. Ni wala siyang

salitang mailarawan para doon. Ang alam niya lang ay damang-dama niya ang pagkadurog ng

kanyang puso.

Nag-aalala siya para sa ina. Gusto niya itong sundan. Nag-aalala rin siya para sa nararamdaman ng

ama dahil ngayon niya lang sinuway ang utos nito. Pero bukod pa roon ay nag-aalala rin siya para sa

kanyang puso. Ilang sandali siyang nakasalampak lang sa carpet bago niya unti-unting nakuhang

tumayo. Hindi maari iyon. Pupuntahan niya si Aleron. Aalamin niya mula mismo sa mga labi nito ang

dahilan nito. Mayamaya ay natawa siya. Saan niya nga ba ito pupuntahan?

Wala ang binata sa townhouse nito, nakasisiguro siya roon. Tinawagan niya na ang gwardya sa village

nila para patingnan kung sakaling bumalik si Aleron sa bahay nito pero wala raw tao roon. Wala rin

daw ang kotse nito at sarado ang buong bahay. Ang alam niya lang ay ang mall kung saan ito

nagtatrabaho. At doon siya pupunta. Pagharap niya sa bukana ng simbahan ay nakita niya si Cedrick.

“Holly,” halos padaing na wika nito. “Umuwi na tayo. Ihahatid na kita.”

“I can’t. Pumunta na muna tayo sa opisina ni Aleron.”

“Pero-“

“Kung ayaw mo akong samahan, ako na lang.” Marahas na pinunasan ni Holly ang mga luha niya.

Nilampasan niya na si Cedrick. Dere-deretso siya papunta sa gate ng simbahan. Mayamaya ay

naramdaman niya ang pagpaibabaw ng jacket ng binata sa kanyang mga balikat.

“I’ll be with you. Pero pagkatapos nito, tama na, Holly, parang awa mo na.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.